Tangina ka
Tangina ka kasi noong una ikaw itong unang nagbigay ng motibo. Bilang kapalit, sinalo kita kahit may alam ka na sa akin. Tangina ka kasi noong mga oras na malungkot ako, ikaw ang nagpapasaya sa akin. Tangina ka ulit kasi ipinaparamdam mo talaga sa akin na special ako sa iyo. Tangina ka na kahit malayo tayo sa isa’t- isa, nagagawan pa rin natin ng paraan para makapag- usap tayo. Tangina ka ulit kasi ikaw ang rason kung bakit ako nagloload araw- araw. Tangina ka ulit kasi marinig ko lang boses mo, alam kong okay na ako. Tangina ka kasi ikaw ang rason ng pagpupuyat ko.
Pero bakit , mas tangina ang naramdaman ko noong nararamdaman kong nagbabago ka na. Tangina uliit kasi kahit magawa ko mang magalit sa iyo, isang suyo mo lang sa akin, mawawala na agad iyon. Tangina ka pero bakit mo naman ginagawa sa akin ito?
Tangina ah! Sabihin mo na agad ang gusto mong iparating! Tangina! Panandalian lang pala ang lahat! Tangina!
Bow